Marya Aliza Melchor's profile

People of Smart Communities

Tulad ng ibang senior citizens, maliit lang ang ginagampanang papel ng internet sa buhay ni Benjamin Pura. Ngunit noong sumama siya sa unang klase ng #SmartMillenniors program, nag-iba ang pananaw ni Tatay Benjamin.
Kung dati raw ay sa telepono lang siya tumatawag at sa telebisyon lang siya nakakapanood, ngayon nasa internet na ang lahat. Nakakausap na niya ngayon ang kanyang apo at mga kaibigan gamit ang Messenger chat and video call. At nababalikan na rin niya ang mga basketball games at kanyang mga paboritong palabas sa YouTube. #LearnSmart | https://tinyurl.com/y8ruvkfg
#PeopleOfSmartCommunities: Emma Villacrusis
Apat na taon nang magkahiwalay ang magkapatid at mag-best friend na sina Emma at Marites dahil sa trabaho ni Marites bilang domestic helper sa Hong Kong. Magdadalawang taon na noong huling nakauwi si Marites, at namimiss na daw siya ng kanyang kapatid at ng anak na si Ace.
Kaya naman ngayong Pasko, nagplano ang magkapatid na magkita, sa Pilipinas man o sa Hong Kong. #OFWins #EverydayChristmas | https://tinyurl.com/yalltgjv
#PeopleOfSmartCommunities: Fulung Siamen Tumandan
Masaya si Fulung Siamen Tumandan, isang tribal elder ng mga Blaan sa Sarangani, sa nakikita niyang pagbabago sa mga kabataan ng kanilang tribo. Kung dati raw ay bihirang magtapos sa pag-aaral ang mga Blaan dahil sa maagang pag-aasawa, ngayon ay lumalawak na ang kanilang pananaw. Nauunawaan na raw ngayon ng mga kabataang Blaan ang halaga ng edukasyon sa kanilang kinabukasan, at napakikinabangan na rin nila ang mga oportunidad na dala nito. #SmartCommunities | https://tinyurl.com/y7gvlcn5
Matagal nang hilig ni Philip Adrian Gungab, o mas kilala bilang Pip, ang video at mobile games, kung kaya’t sa industriyang ito niya piniling itaguyod ang kaniyang career. Ayon kay Pip, maswerte siya na nagagawa niya ang kaniyang hilig habang naibabahagi niya ang kaniyang kaalaman sa mga kabataang nais ding magpursigi sa larangan ng gaming. GameCon PH #Gamecon2018 #SmartCommunities | https://tinyurl.com/yavnxoyq
#PeopleOfSmartCommunities: Chef June Fernandez
Kinagisnan na ni June Rhoses Alviola Fernandez ang mundo ng pagluluto. Lumaki siyang napapaligiran ng mga taong mahilig magluto kaya naman kahit anim na taong gulang pa lamang siya noon, tumutulong na siya sa karinderia na pinamamahalaan ng kanyang lolo't lola. Sa paglipas ng panahon, sinikap niyang bihagin ang panlasang Cebuano sa mga lokal na karinderia na siya niya namang nagamit bilang isang chef.
Ngayong Chef de Cuisine na siya sa Cebu Parklane International Hotel, ginagamit ni Chef June ang kanyang impluwensiya para itaguyod ang lutong Cebuano. Naniniwala siyang lahat ng bayan at probinsiya sa Pilipinas, lalo na ang lalawigan ng Cebu, ay may tinatagong orihinal na putahe na dapat ibahagi at ipagmalaki sa buong bansa.
Isa sa mga paraang maipapamalas ang mga lutuin na ito ay sa Sangka sa Kaha, isang cook-off contest ng Cebu Parklane International Hotel kung saan itinatampok ang mga lutong tatak-Cebu. | https://tinyurl.com/y88rrk7z
People of Smart Communities
Published:

People of Smart Communities

People of Smart Communities shines the spotlight on community partners who use their talents, skills, and position to forward a worthy advocacy.

Published: