Enid Din's profile

Dalawa Kami Ni Lola

Illustrations for Ang Ilustrador ng Kabataan’s Artist Call based on PBBY - Salanga Prize Winning story Dalawa Kami ni Lola by Genaro Gojo Cruz. 

" Simula’t simula, kasama ko na si Lola.  
Dalawa kaming nag-aalmusal. Dalawa kaming naliligo ng maligamgam na tubig. 
Dalawa kaming nagtatanghalian. Dalawa kaming umiidlip sa tanghali. 
Dalawa kaming nagmemeryenda sa hapon. Dalawa kaming naglalaro sa hardin. 
Dalawa kaming umiinom ng gatas bago matulog sa gabi. Dalawa kaming nahihimbing sa pagtulog."
"Masyado nang matagal kung umidlip si Lola. Dati naman, sabay kaming magising. 

“Anak, handa na ang meryendang turon sa mesa, babantayan ko na lang muna ang iyong Lola. Kailangan kasi siyang painumin ng gamot pagkagising,” sabi ni Nanay."

"Mag-isa na lang akong nagmeryenda ng turon. Babalik pa kaya sa dati si Lola? Para kasing lalo siyang humihina sa araw-araw na pag-idlip sa tanghali."
"Mag-isa akong naglaro sa hardin. 

Dati si Lola ang sumasalo ng aking inihahagis na bola. Dati si Lola ang nagbibigay sa akin ng mga tamang kulay ng krayola para sa kinukulayan kong koloring buk. Dati nakapagdidilig pa kami ng kaniyang mga tanim na halaman na hinding-hindi nawawalan ng mga bulaklak."
Dalawa Kami Ni Lola
Published:

Owner

Dalawa Kami Ni Lola

Illustrations base on PBBY - Salanga Prize Winning Story Dalawa Kami ni Lola by Genaro Gojo Cruz

Published: