Kylle Columna's profile

Tulaan ng BayanEAN (Campaign)

Mapagpalayang Buwan ng Wika!

Nakikiisa ang UP Sigma Alpha Nu Sorority Manila sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2021 ngayong Agosto alinsunod sa tema ng Komisyon sa Wikang Filipino na “Filipino at mga Katutubong Wika sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino.”
Kung kaya’t inihahandog namin ang patimpalak sa paggawa ng tula na pinamagatang “Tulaan Ng BayanEAN” bilang pagbibigay-diin sa kahalagahan ng wika sa pagkakaisa ng mga Pilipino habang nasa kalagitnaan ng pandemya.

Maaaring magpasa ng kanilang malikhaing gawa mula ngayong Agosto 18 hanggang Agosto 27 nang 11:59 PM. Sa Agosto 30 nang hapon ang pag-post ng mga tula sa aming Facebook page upang magbigay ng suporta sa mga manunulat nito. Ang pag-aanunsyo ng mga nagwagi ay sa Agosto 31.

Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang litrato sa ibaba.
Narito ang Google Forms upang mag-rehistro: bit.ly/TulaanNgBayanEAN
Kaya ano pa ang hinihintay mo? Sali na at ibahagi ang iyong galing sa pagsusulat!

Inisponsor ng:

Sa pakikipag-ugnayan sa:

Handog ng:

#TulaanNgBayanEAN
#BuwanNgWika2021
Pagpupugay sa mga lumahok, nakiisa, at nagsipagwagi sa “Tulaan ng BayanEAN”!
Ikinagagalak naming ihandog sa lahat ang mga tulang nakapasok sa Top 10 sa aming pagdiriwang. Padayon!

Binabati rin namin ang lahat ng kalahok na ipinakita ang kanilang talento sa pagsusulat! Kami ay lubos na nagpapasalamat at humahanga sa inyong husay sa paglalahad ng inyong pagmamahal sa ating wika.

Nais din naming pasalamatan ang mga hurado at sponsors na naglaan ng oras at nagbahagi ng mga libro para maging matagumpay ang aming pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2021.

Muli, maraming salamat at patuloy nating ipagmalaki ang ating sariling wika!
Tulaan ng BayanEAN (Campaign)
Published:

Owner

Tulaan ng BayanEAN (Campaign)

Published: