Ian Crisolo's profile

"KILLING ME SOFTLY" 2017

"Killing me Softly"
"Marahang pagpatay" 

Para sa akin ito ang pinakamahirap sa lahat ng pwedeng mangyari sa buhay ng isang tao 
Ang mamatay ng di mo mawarian ang dahilan 
Yung tipong hindi mo alam ang pinanggalingan ng mga nararamdaman 
Yung pakiramdam na gusto mo ng magpaalam 

Yung pakiramdam na gusto mo ng tumigil sa paghinga 
Yung pakiramdam na gusto mo ng sumuko sa pagsubok ng buhay 
Yung pakiramdam na wala ng nagbibigay halaga sa iyong mga ginagawa 
Yung pakiramdam na wala ka ng kwenta at isa ka nalang basura 

Yung pakiramdam na sa bawat pag gising, sakit at hapdi ang umagahan mo 
Yung pakiramdam na sa bawat pagpikit ng yong mga mata sa gabing madilim 
ay pait ng kahapon ang kinikimkim 
Yung pakiramdam na sa bawat paggalaw ng mga bahagi ng katawan mo 
Wari'y nahuhusgahan ka na 
Ano nga bang dahilan ng yong pagkamatay? 

Isipin nalang natin na bawat tao ,pangyayari, lugar at 
Konsensya ay may kinalaman sa yong paglisan 
Unahin natin ang mga 
Taong nakapaligid sayo 
Ano bang ginawa kong mali para akong iyong saktan 
Kung sa bawat pagbibigay ko sapak at tadyak ang akong nakakamtan 
Binigay ko lahat ng gusto nyo, pero bakit kulang parin ang aking pagsasakripisyo 
Pagsasakripisyong pati para sa sarili ko ay ibinigay ko 
Kasi ang hirap humindi sa mabuting ipinakikita nyo kapag may kaylangan kayo 
Ako naman tong si tanga hinayang mabuo ang ganon nyong pagkatao.
"KILLING ME SOFTLY" 2017
Published:

Owner

"KILLING ME SOFTLY" 2017

Published: