Anthony Kristan dela Cruz's profile

Philippine Mythological Creatures (2020)

Silang nasa Pagitan ng Misteryo at Kuro-kuro

Alternatibong pagpapakilala sa mga natatanging nilalang
ng nakabababang Mitolohiyang Pilipino
DUWENDE
Kumakandirit na naman ang maya
malapit sa punso sa tabi ng bisita.
Marahil ay kalaro na naman n'ya
ang munting lamanlupang ayaw magpakita.

MANANANGGAL
Ang isawan ni Lualhati'y malakas kung kumita,
ngunit ipinagtataka ng ibang manininda
ag paminsang huni ng sisiw mula sa kanyang sikmura
na susundan ng pagkaripas ng dalaga palayo sa plasa.
MANGKUKULAM
Ang pinakamahusay na mananahi sa sitio
hinahangaan maging ng mga dayo
'Pagkat bukod sa husay sa pagtahi ng baro
kayang magpatubo ng mga binti at braso

PALASEKAN
Napalitan ang pagsipol na nagmumula sa punong Narra
ng maalingawngaw na tilaok, malayo pa man ang umaga.
Muling umihip ang palasekan sa plawta bilang babala
sapagkat may paparating na mapaminsalang sigwa.
SIRENA 
Nananatiling misteryo sa baryo
ang katotohanan sa nangyari kay Tiyago.
Bukod sa pagkakaligtas sa matinding bagyo,
may uwi ring perlas, sinlaki ng kanyang ulo.


TAHAMALING
Ipinaalam ng serpyente ang pagdating ng estranghero-
isang mangangasong walang handog na regalo.
Kung kaya naman sa piling ng mga puno,
parusa'y manatili ng sangkapat ng siglo.

TIKBALANG
Nabighani ang mapagmatyag na uwak
Sa ningning ng singsing niyang hawak.
Doo'y nakalapat ang iniingatang Mutya
Para sa kasalang saksi ang langit na lumuluha.

Philippine Mythological Creatures (2020)
Published:

Philippine Mythological Creatures (2020)

Published:

Creative Fields