Dante Diosina Jr's profile

Dito sa Marinduque..

BIOLENTE Production
LRC-KSK
Present:
 
Dito sa Marinduque..
 
(c)BIOLENTE | LRC-KSK
Photo by: Aljemar + Jay Minorca III + Dj Diosina
 
 
Etong dokumentaryong eto ay tungkol sa unti unting pag sira ng kalikasan sa isla ng Marinduque, dahil sa pagmimina nasira ang bundok at eto ay napabayaan, naging kontaminado ang lugar at kumalat sa ilang lugar sa isla, ang lugar ng Bocboc at Magapua, kung saan nasira ang kabuhayan ng marami at pati ang kanilang kalusugan ay delikado dahil sa naging kontaminado ang lugar dahil sa napabayaang minahan.
Byahe papuntang Marinduque
Gamit ang roro para makapunta sa isla ng Marinduque | Lucena, Quezon | ika-12 ng disyembre 2013
Eksena sa loob ng roro | ika-12 ng disyembre 2013
Pangingisda ang isa sa mga pangunahing ikinabubuhay ng mga nakatira malapit sa tabi ng dagat | Pampang ng Marinduque | ika-12 ng disyembre 2013
Bayan ng Boac sa Marinduque
Malake ang impluwensya ng relihiyon ng katoliko sa Marinduque dahil tuwing simana santa ay dinadaong nila ang "Mariones Festival" | Ang katedral ng Boac |  ika-14ng disyembre 2013
Iskinita sa bayan ng Boac at ang mga lokal | Boac, Marinduque | ika-14 ng disyembre 2013
Ang Baratilyo kung saan maraming pamilihin at abot kayang presyo | Boac, Marinduque | ika-14 ng disyembre 2013
Lagay ng Kalikasan sa Marinduque
Ang lugar ng Marinduque ay isang paraiso, maganda ang klima, mapuno at sadyang kaibigan nila ang kalikasan, munit sa likod ng ganda ng isla merong nagbabadyang masamang trahedya na mangyayari sa lugar.
 
Kapag mapapansin ang mapa ng Marinduque sa "google map" ay merong butas sa gita, eto ay dahil sa malaking pagmimina, ibat ibang bansa ang nakikinabang neto at patuloy nilang sinisira ang kalikasan sa lugar, malake ang naging epekto ng lagay ng kalikasan sa lugar dahil sa napabayaang minahan, ang mga kemikal at material na posibleng matagpuan sa minahan ay napabayaan nadin, ang mga kemikal at material na iyon ay maaring ikasira ng lugar at maging delikado ang mga mamayan sa mga posibleng daluyan ng kemikal. 
 
Dalawang dekada na ang nakaraan ng may tumamang bagyo sa Marinduque, at dahil sa bagyo bumigay ang sumusuporta para hindi kumalat ang mga kemikal o material na pweding ikasama ng lugar ay sadyang inalon at sumama sa daloy ng tubig, at dahil sa naiwan eto at napabayaan ang ibang lugar ng minahan ay tinangay din ng bagyo, ang resulta, dumertso ang mga kemikal, material at mga bagay bagay na galing sa minahan at pweding ikasira na lugar at maging delikado ang mga kalusugan ng mga mamamayan. umalon sa bayan at ibat ibang baranggay ng Marinduque ang kontaminadong tubig at putikan na ilog. Nasira ang lugar ng Marinduque, marami ang namatay, marami ang nasayang at malaki ang nabago sa lugar.
 
ang dating paraiso ay sadyang nasira at napabayaan pagkatapos pakinabangan, nabaliktad ang lahat na tila gustong balikan ang dating lugar ng mga nakasaksi ng pagbabago.
Ang Kalikasan ng Baranggay Bocboc, Marinduque
Isa sa mga natitirang magagandang likha ng kalakikasan na hindi naapektohan at hindi kontaminado ang tubig na dumadaloy sa talon | Paadjao Falls | ika-15 ng disyembre 2013
Patay na ilog
nuong araw, ang pangunahing ikinabubuhay ng mga lokal sa bocboc ay sa ilog na eto, maraming isda, hipon at ibat ibang yamang dagat ang mahuhuli mo sa ilog, at ang ilog ay mataas at malawak. nang dahil sa pagmimina naging kontaminado ang tubig ng ilog at natabunan ng mga putik na nanggaling sa minahan, nasira ang pamumuhay ng mga tiga bocboc at naging miserable ang ibang ng mga lokal. Nasira ang bahay dahil inalon ng ilog dahil sa biglang pagtaas ng daloy ng tubig na may halong putik at kontaminadong tubig. marami ang namatay sa trahedyang eto at ang mga nakaligtas ay umaasa sa pag babago para sa mga susunud na henerasyon. | Bocboc, Marinduque | ika-15 ng disyembre 2013
Nasirang ilog | Bocboc, Marinduque | ika-15 ng disyembre 2013
Ang tahanan ng mag asawa ay dating nakatirik sa tabi ng ilog, nung gabing bumagyo at mabilis ang pagtaas ng tubig, tinali nya ang kanilang mga sumpling sa kanyang katawan at ibinuhol eto sa isang bagay na pweding mag ligtas sa kanila dahil sa lakas ng alon ng tubig. |  Bocboc, Marinduque | ika-15 ng disyembre 2013
 

Kaming mamamayan tutol sa masasamang loob,
binungkal ang bundok pinsala ang dinudulot,
kaya lahat ng bayan tabing dagat tabing ilog,
mga taong nangangaba at hindi makatulog.

Kaya mga kababayan ako'y nananawagan
sa mga kinaukulan sana'y bigyan pansin ang aming karaingan,
gabi noong kami'y mga tao sa magdamag hindi makatulog ,
sa katakot na kami ay malubog at malunod,

Baranggay namin patag at malinis,
 malapit sa ilog pagkat abot ng baha at tubig,
mga halaman ay nagiba, 
hayop ay nalunod sanhi ng malakas na tubig, 
bulas ang pinanggalingan ,
dam ang kanyang pangalan.

At eto na po ang aming kasaysayan, 
karanasan kailan man hinding hindi naming malilimutan,
 Dec 6 1993 nagsimula umulan,
at tuluyan naging bagyo,
at monang ang kanyang pangalan.

Baranggay san antonio at lubuan sentro,
 binungkal ang lupa, 
bundok giniba, 
maraming taon ding kanilang ginawa, 
maramang ginto kanilang kinuwa,
lahat ng bagay sila na lagana, 
mga dayuhan bahay magaganda,
palibhasay imported nga sila, 
binungkal ang lupa, 
kayamana ay kinuwa ,
dinala sa pag uwi iniwan tayong nagdurusa.

Mula noon at magpahanggang ngaun, 
tubig sa ilog labo at malagkit,
kung tapakan naninikit,
ang kati hindi matiis, 
sanhi ng masamang tubig,
tubig nagmumula sa hulo,
hulo kung turingan ngayon wala ng pakinabang,
isda, hipon, suso takot ng manirahan, 
dahil sila tiyak duon mamamatay.

Dumating ang araw pagmimina ay naiwan, 
mga pinsala hindi na alam, 
di umano kalamidad ang dahilan,
kaya papano nanaman kami,
sa tulong katarungan pagbabayad dapat tuparin,
bayan naman wag nang muling pinsalain, 
pagmimina wag ng pairalin yan ang sigaw ng aming mga damdamin.

Mabuhay tayong lahat.

Tula ni nanay Rita tungkol sa kanilang bayan. | Bocboc, Marinduque | ika-15 ng disyembre 2013
ang tulay na eto ay tumutulong para makatawid sa kabila ang mga residente ng baranggay dahil maaring maapektohan ang kanilang kalusugan kapag sila ay sumulong sa ilog na kontaminado ng ibat ibang kemikal na nanggagaling sa napabayaang minahan. | Bocboc, Marinduque | ika-15 ng disyembre 2013.
 
Baranggay Magapua, Marinduque
Grupo ng mga kabataan at masasayang ngiti ang kanilang pinamalas ang matatagpuan sa lugar ng baranggay Magapua sa Marinduque, puno ng pag asa at umaasa sa pag baba ang mga tao sa nasabing lugar. naapektohan ang baranggay nung gabing bumagyo at nasira ang sinasabi nilang damn sa minahan na syang dahilan ng biglang pag angat ng tubig sa ilog, may malaking ilog sa loob ng baranggay kaya naapektohan ang kanilang lugar at nasira ang kanilang kalikasan. apektado ang mga nakatira sa lugar pati ang kanilang pamumuhay.  | Magapua, Marinduque | ika-14 ng disyembre 2013.
Ang mga lokal sa lugar na nakasaksi sa pag angat at sa pagbasak sa kanilang kalikasan at umaasa sa pagbabago.  | Magapua, Marinduque | ika-14 ng disyembre 2013.
Isang lokal sa lugar ang nagkwento ng buhay nila dati sa kanilang baranggay kung pano nila napapakinabangan ang ilog na nasira ng dahil sa pag sira ng damn ng minahan na may mga kemikal na posibleng makasira ng kalikasan.  | Magapua, Marinduque | ika-15 ng disyembre 2013.
Isang sasakyan ang umiikot upang magbenta ng mga gulay at isda sa mga lokal sa lugar.  | Magapua, Marinduque | ika-14 ng disyembre 2013.
Masagana ang mga puno na makikita sa lugar na tila tumanda na ito sa bundok, isang malaking puno ang aming nakita na sabi sabi ay may ginto sa ilalim neto at nung unang panahon, para makuwa ang ginto sa ilalim ng malaking puno kinakailangan ay mag alay ng isa sa mga anak ng nagnanais kumuha ng ginto.  | Magapua, Marinduque | ika-14 ng disyembre 2013.
Katulong ng mga ilang lokal sa lugar ang kanilang mga alagang hayup tulad ng kabayo upang magbitbit ng mga mabibigat na bagay.  | Magapua, Marinduque | ika-14 ng disyembre 2013.
Sa kabilang bahagi ng lugar ay may malaking ilog, munit dahil sa nangyaring bagyo at nasirang damn sa minahan ay tuluyang nasira ang ilog at hindi na napakinabangan ng mga tao sa lugar. dahil sa kontaminadong tubig na dumadaan sa ilog, gumawa ng mga tulay upang makatawid sa ilog papunta sa kabilang lugar.  | Magapua, Marinduque | ika-12 ng disyembre 2013.
Ang tulay para makatawid sa kabilang lugar ginawa upang makaiwas sa kontaminadong ilog sa baba neto.  | Magapua, Marinduque | ika-14 ng disyembre 2013.
Nasisirang ilog ang matatagpuan sa lugar dahil sa tubig na dumadaloy dito ay kontaminado galing sa napabayaang minahan.  | Magapua, Marinduque | ika-14 ng disyembre 2013.
Ang loob ng publikong paaralan sa lugar.  | Magapua, Marinduque | ika-14 ng disyembre 2013.
Papasok sa minahan
Nakadaan kami sa kabilang parte ng minahan ng mga tsino, kasama ang mga eksperto, susuriin namin ang loob ng minahan.  | Bocboc, Marinduque | ika-17 ng disyembre 2013.
Mga gwardya ng minahan ng intsik at ang aming bantay.   | Bocboc, Marinduque | ika-17 ng disyembre 2013.
Malaking bato ang humarang sa amin sa pagpasok sa minahan tila simbolo na napabayaan na kalikasan at matutulis na bato ang nakakalat na maaring magugnay na ang mga batong nakakalat ay galing minahan.  | Bocboc, Marinduque | ika-17 ng disyembre 2013.
halos kulay kalawang na ang mga bato na nadadaanan ng tubig na kontaminado ang aming nadatnan ng pasukin namin ang lugar.  | Bocboc, Marinduque | ika-17 ng disyembre 2013.
Naiwan ng mga hapon ang kweba na nakakalat sa lugar ng bundok na naapektohan ng minahan, ginamit sa pagmimina din ang mga kwebang eto nuung lumang panahon na nag mga hapon pa ang nagkikinabang ng ating mga mineral.   | Bocboc, Marinduque | ika-17 ng disyembre 2013.
Ang mga kwebang naiwan ng hapon nung lumang panahon para makapag mina ay nakakalat sa lugar at ang sabi sabi ay kapag nahulog ka sa loob ng kweba, imposibleng makabalik at makalabas kpa sa kweba.   | Bocboc, Marinduque | ika-17 ng disyembre 2013.
Ayon sa eksperto galing australia, ang tinuturo nyang bato ay kontaminado galing sa tubig na natuyo sa bato, ang kemikal na kumapit at maaring makaapekto sa kalusugan ng tao.  | Bocboc, Marinduque | ika-17 ng disyembre 2013.
Ang mga batong eto ang isa sa mga pangunahing minimina, ginigiling at dinudurog ang mga eto at gagawing bakal.  | Bocboc, Marinduque | ika-17 ng disyembre 2013.
Sa pagpasok namin sa minahan, madaming magagandang tanawin at sadyang malakas ang saboy ng tubig sa mga talon. sabi ng mga lokal sa lugar ay dati ay wala gaanong talon ang lugar na iyon, dahil sadyang mataaas daw ang tubig ng ilog. Dahil sa pagmimina at sa pag tama ng panget na klima sa lugar tila nasira na ang ilog at ang pamumuhay ng mga tao sa lugar na iyon.  | Bocboc, Marinduque | ika-17 ng disyembre 2013.
Ang mga lokal sa lugar ay nagbabakasakali makakuwa ng ginto galing sa ilog na dumadaloy na tubig ay galing sa mina.   | Bocboc, Marinduque | ika-17 ng disyembre 2013.
Mga ginto na nakuwa ng mga lokal sa paghahanap nila sa ilog na dumadaloy galing sa mina.   | Bocboc, Marinduque | ika-17 ng disyembre 2013.
Isang lokal na bata ang naglalaro at naghuhukay kung saan dati ay dinadaluyan ng ilog, nasira ang ilog dahil sa mga kemikal na nahahalo dito galing sa taas ng bundok kung saan merong napabayaang minahan.  | Bocboc, Marinduque | ika-17 ng disyembre 2013.
Paglaban sa kalikasan
Isang lokal sa lugar ng Bocboc ang nakiisa laban sa kanilang pinaglalaban para sa kanilang nasirang kalikasan sa tapat ng gusali ng Marinduque Government.  |  Marinduque | ika-18 ng disyembre 2013.
Nakiisa ang pari sa lugar ng marinduque upang tumulong sa mga taong sumasaklolo dahil sa kanilang nasirang pamumuhay.  |  Marinduque | ika-18 ng disyembre 2013.
Nakiisa ang mga kabataan at may hawak na karatula na nag sasabi na Kalikasan ay siguraduhin, mag mimina ay Panagutin.  |  Marinduque | ika-18 ng disyembre 2013.
Isang lokal sa Magapua ang dumalo at nakiisa laban sa sumira ng kanilang kalikasan at kinewento nya kung pano nabago ang takbo ng buhay sa kanilang lugar ng naapektohan ang kanilang ilog na pangunahin nilang kinukuwanan ng hanap buhay.   |  Marinduque | ika-18 ng disyembre 2013.
Ang lugar ng marinduque ay kailangan pagyamanin para sa mga susunod na henerasyon ay pakinabangan, pagingatan natin ang ating kalikasan dahil sa huli ay dito lamang din tayo kakapit.
 
Dahil sa pagbabaya na ngyari sa lugar, posibleng mawala at lumubog ang Marinduque dahil sa mga kemikal na kumakapit sa lugar, nasisira ang lupa at ang tubig kapag eto ay nahaluan, nasisira ang pundasyon  ng buong lugar, kaya mahihirapan ang lugar kapag ito ay humarap sa malalakas na kalamidad. 
 
 
 
 
Dito sa Marinduque..
Published:

Dito sa Marinduque..

Ang documentaryong ito ay tungkol sa nasisirang lugar sa Marinduque,Philippines dahil sa mga napabayaan minahan sa lugar.

Published:

Creative Fields