Abril Gomba's profile

Bahagyang Kamalayan

Bahagyang Kamalayan

Sa lugar ng takot at kawalan,
Ako ay may bahagyang kamalayan
Bahagyang nawawala at natatakot
Bahagyang nagmamasid,namumulat
Lahat ay bahagya lamang

Sa lugar ng takot at kawalan
Ako ay may bahagyang kamalayan
Na ang takot ay matututong tumapang
At ang nawawala ay muling makikita

Sa lugar ng takot at kawalan
Ako ay may bahagyang kamalayan
Paano ko malalaman?
Na ang takot ay tumapang na,
At ang nawawala ay natagpuan na
Kung Ako ay may bahagyang kamalayan?
Bahagyang Kamalayan
Published:

Bahagyang Kamalayan

Published:

Creative Fields