Jai Lalicon's profile

Philippine Mythology: Gods and Goddesses

MAYARI: Diyosa ng Buwan

Anak ni Bathala at kapatid ni Apolaki; si Mayari ang nagbibigay-liwanag sa pagsapit ng dilim. Nabulag ang isa niyang mata nang magkaroon ng alitan sa trono ang magkapatid nang yumao ang kanilang ama. Kinalaunan, ay pinaghatian na lamang ng dalawa ang pagbibigay-liwanag sa mundo — si Apolaki sa umaga, at si Mayari naman ang sa gabi.
APOLAKI: Diyos ng Araw at Digmaan

Naghahari si Apolaki sa umaga at ang kapatid na si Mayari naman sa gabi, ayon sa ilang bersyon ng mitolohiya. Kilala siyang isang matapang na diyos, lalo na at siya rin ang ama ng mga mandirigma; subalit marunong din si Apolaki tumanggap ng pagkakasala at magpakumbaba, gaya ng pagpapaubaya nito kay Mayari na mamuno sa gabi nang mabulag ito nang dahil sa kanilang alitan sa trono.
TALA: Diyosa ng mga Bituin
HANAN: Diyosa ng Umaga

DUMANGAN: Diyos ng Magandang Ani
MAPULON: Diyos ng Panahon at Kalusugan

Tinututuring si Mapulon bilang pinakamabait na diyos. Siya ang namamahala sa iba't ibang panahon, kaya nama'y napapatubo niya ang mga halamang gamot para sa mga may sakit. Tinatagurian din siyang diyos ng kalusugan. Kadalasan ay nilalarawan si Mapulon na may suot na maskara.
Philippine Mythology: Gods and Goddesses
Published:

Philippine Mythology: Gods and Goddesses

Published: